Tuesday, August 23, 2011

MAY SILBI PA BA ANG PAGSUSULAT?

    Ang pagsusulat ay isang paraan napagpapahayag ng ng ideya, emosyon, saloobin, pagbibibgay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at para sa mga nabasa na akda o napanood na pagtatanghal. Pagpapahayag ng isip at damdamin ng isang tao.
    Mayroon tayong ibat ibang uri ng pagsusulat, pagsussulat ng tula,sanaysay, nobela, kuro kuro, ideya sa isang paksa at marami pang iba.ang mga bagay na hindi natin kayang sabihin nang pasalita ay ipinapahayag natin nang pasulat. May mga bagay ring hindi angkop na sabihin, at ang pasulat ay naging isang pangangailangan sibilisadong lipunan.
    Ang pagsusulat ay naging bahagi ng buhay natin, simula noong bata pa tayo hanggan sa ngayon.
    Ayon kay Donald Murray, ang pagsusulat ay isang eksplorasyon pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas ng porma at ang  manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik balik,nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayang sa bawat panahon ng kanyang natuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag ng episyente.

No comments:

Post a Comment