Thursday, August 18, 2011

PROSTITUSYON ISANG SULIRANIN BA NG BANSANG PILIPINAS?

    Prostitusyon ito ay isang gawain o "sexual acts" na may kapalit na kabayaran." Manila makasalan na lugar sa buong mundo".Ito ang titulo ng isang artikulo na nabasa ayon sa sikat na manunulat sa bansang Amerika, Siyempre sa paglabas nito marami ang nasaktan, Dahli sa labis na pagsasalarawan nito.Sa kabilang dako naman mayroon naman sumang ayon dito dahil sa kasalukuyan nga bumababa ang kalidad ng moral at talamak narin sa bansa natin ito katulad na lamang ng mga larawan ng mga magaganda at hinahangaan na personalidad na nakahubad o halos wala ng takip sa katawan, pelikula talamak narin ang ganitong gawain,. pang aabuso sa mgaa kababaihan. Pero hindi natin sila masisi dahil iyon ang pagkakakilala nila sa ating lugar,iyon ang nakita nila sa pag bisita nila dito sa bansa natin.Ano ba ang dahilan nito? Bakit nila ito ginagawa?Ano ang epekto nito sa sarili?sa bansa?at sa pangkahalatang epekto?
     Lahat ng mga ito may kinalaman sa  tinuturing na isa sa mga pambansang at matandang propesyon sa ating bansa:PROPESYON.Sa mga nakaraang taon sa ibat ibang bansa marami ang kahulugan nito, meron na tintawag na "good friends", at sa ibang bansa ito ay masamang gawain.Tinatawag na prostityut. Ito ay madaling malaman sa pamamagitan ng kanilang panlabas na kaanyuan, katulad ng pagsusuot ng maiksing damit, maraming kolorete sa katawan at sa mukha, naninigarilyo at umiinom ng alak maging nasa pambublikong lugar. Mayroon silang malaking pagkakaiba sa mga babaeng hindi prostityut.
     Dahilan ng prostitusyon. Kung hindi sa mental o emosyonal na aspeto sa buhay. Konsyus o sabkonsyus. Konsyus sila na kailangan nilang gawin ito dahil sa matinding pangangailangan,walang ibang maisip na paraan,at palaging magkaakibat ang prostitusyon at kahirapan.Kadalasan ang prostityut ay galing sa mahihirap na pamilya. Hindi sila konsyus, ito ay yung nagiging biktima sila ng mga mapang abuso at masasamang grupo.Binabayran sila ng malaking halaga.
     Epekto ng prostitusyon, Nagiging mapanganib sa kanilang kalusugan, gagamit ng ipingbabawal na gamot at walang matinong pag iisip, at pwedeng magpapakamatay sila dahil narin sa kahihiyan sa sosyodad.
     Prostitusyon isang suliranin ng ating bansa sa ngayon dahil  pag mayroon nito marami ang naghihihrap,kahirapan, paggamit ng ipinagbabawal na gamot.at laganap ang krimen sa ating bansa, pang aabuso ng mga kababaihan at higit sa lahat bumaba ang kalidad ng edukasyon o hindi man lang nakaranas ng edukasyon.Edukasyon ang nagbibibgay liwanag sa bawat isa, paraan ng pagkakaroon ng magandang buhay at kinabukasan. Respeto sa sarili,respeto sa bawat isa at makakamit natin ang isang magandang pamumuhay na masasabing maunlad at produktibong bayan.

6 comments:

  1. Mam meron po ba kayong Statiscal Percentage po ng Prostitusyon sa Pilipinas ngayong 2018

    ReplyDelete
  2. Mam meron po ba kayong Statiscal Percentage po ng Prostitusyon sa Pilipinas ngayong 2018

    ReplyDelete
  3. Maam ang pagkalulong ba sa prostitusyon ay nakaaapekto sa dignidad ng tao?

    ReplyDelete
  4. Sa palagay ko kahirapan ang punot dulo ng problemang to.Sugpuin ang kahirapan para matapos ang protitusyon sa ating bansa Sakit.info

    ReplyDelete
    Replies
    1. May ilan ding malilibog na trip lang talaga maging prostitute

      Delete
  5. Ano ang kailangan gawin upang maitigil ang prostitusyun?

    ReplyDelete